Bisikleta. Iyan ang
sagot sa bugtong sa pahina 964 na - “It
has come from a far place, but has only one footprint.” Noong una iyang bugtong na iyan ang pinili ko
kasi mahilig talaga akong mag-bisikleta, simpleng dahilan lang, wala nang iba
pang pakahulugan sa akin. Pero sa pagmumuni-muni ko, napa “oo nga ‘no” ako.
Parang
isang bisikleta pala tayo. Sakyan man tayo ng napakaraming mga pagsubok,
tapak-tapakan ng ibang tao, ‘maflat-an’ ng gulong sa ating paglalakbay,
maputulan ng kadena sa sobrang pagmamadali, bumulusok man tayo pababa dahil
hindi na talaga kaya ng ‘brake,’ o tipong hindi na natin kailangang i-pedal
dahil awtomatiko na tayong umaandar at minsan inaakay na lang tayo sa halip na
sakyan, lahat ng iyan okay lang kasi alam nating kahit papaano may naiiwan
tayong marka sa mundo.
Isang tanda na minsan, sa isang partikular na panahon sa
mundo, ay nabuhay at namuhay ang isang katulad natin. At bawat isa sa atin ay
may kanya-kanyang marka, walang maaaring umangkin kasi lahat tayo magkakaiba. At
tulad ng isang bisikleta, kailangang may nagpapaandar sa atin kung ayaw nating
mabulok na lang at makalimutan na ng sanlibutan.
Kung sino man iyan ay iba iba
rin, madalas paiba-iba, minsan masaya tayo kasi mga inspirasyon natin sa buhay
nagpapatakbo sa atin, pero minsan naman hindi natin namamalayang iyong mga
‘kalaban’ na pala nagmamaneho sa atin kaya tuloy naliligaw tayo, kinakalawang
at nasisira. Pwede rin namang tayo at ang bisikleta ay iisa, basta ang
mahalaga, sana maging kapaki-pakinabang ang mga markang iiwan natin.
Isang Trip Kong I-Share na Parang Ewan Lang na Video. Haha. Kasi May Bike Eh xD
Pag-iisip. “Walang
pintong pinasukan, nakarating sa kalooban.” Ito naman ay mula sa pahina
498. Siguro kasi kung ang pagkain at pag-inom ay sa bibig, ang paghinga ay sa
ilong, ang pandinig ay sa tenga at ang paningin ay sa mata, nakatutuwang isipin
na napaka-misteryoso ng ating pag-iisip.
Kung sa agham at sikolohiya ay
sinasabing napakaraming kemikal na proseso ang nangyayari sa ating mga utak at
patuloy pa rin ang pagtuklas sa hiwaga ng pagkakaiba-iba natin ng pag-iisip,
mapapansin na ang pag-iisip ay tunay na mahiwaga.
Isang bagay na masasabi mo
talagang iyung-iyo, dahil nasasaiyo na iyon kung ibabahagi mo ang naiisip mo o
sikreto niyo na iyon ng sarili mo. Pag-iisip. Isang gawaing imposibleng
takasan. Isang mundong tila kulungan na sumasakal na sa iyo.
Isang lugar na
katuparan ng mga pantasya mo. Isang bulwagan ng pagtatalo. At isang bagay na
malaking lamang ng mga tao sa ibang mga hayop at halaman sa mundo. Isang anyo
ng kalayaan na talagang dama mo. Isa sa mga nagbibigay kulay sa mundo. Pag-iisip
na tayong lahat ay mayroon ngunit nakakalungkot
na hindi lahat gumagamit nito.
So yeah. Ayun. Punta kayo sa site na 'to kung gusto niyo lang i-enhance pag-iisip niyo about sa personality type niyo: http://www.rebeleagle.com/index.html
So yeah. Ayun. Punta kayo sa site na 'to kung gusto niyo lang i-enhance pag-iisip niyo about sa personality type niyo: http://www.rebeleagle.com/index.html
At siyempre kung curious ka sa brain mo, check this out xD
No comments:
Post a Comment