1. Ang naglalakad ng matulin . . . mga ala-ninja ang dating! Astigin!
2. Kahit saang gubat . . . pupuntahan ni Kuya Kim para sa shooting ng Matanglawin.
3. Kung ano ang itinanim . . . nawa’y hindi bangkay na sinalvage.
4. Kung ano ang puno . . . ay siyang pipiliin (baso ng softdrinks).
5. Kapag may isinuksok . . . siguraduhing may proteksyon at agad dukutin.
6. Laging nasa huli . . . ang makukulit sa klase (seating arrangement sa bus tuwing field trip).
7. Ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan . . . magnanakaw na hinahabol ng mga pulis.
8. Magbiro ka na sa lasing . . . ‘wag mo lang pakantahin ng My Way.
9. ‘Pag may usok . . . na kulay itim, welcome to Manila!
10. Ang sakit ng kalingkingan . . . ay katumbas ng sakit sa tiyan kuno ng mga estudyanteng tamad pumasok.
11. Kung sino ang pumutak . . . ay siyang umutot.
12. Magkulang ka na sa iyong magulang . . . ‘wag lang sa pamasahe pauwi.
13. Nasa tao ang gawa . . . pero wala pa ring ginagawa - tamad.
14. ‘Pag makitid ang kumot . . . may milagrong nagaganap.
15. Papunta ka pa lang . . . text mo, pero sa totoo lang nag-aayos ka pa rin (date ng magsyota).
16. Kapag ang ilog ay tahimik . . . tss, binaha lang yang loob ng bahay niyo.
17. Ang buhay ay parang gulong . . . lalo na kapag ang napangasawa mo ay gunggong kaya ulam niyo ay panay galunggong (gunggung + galunggong = gulong).
18. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika . . . weather weather lang yan. (Ano raw?)
19. My brother is not a pig . . . my pig is a brother (huh?).
20. Ang batang makulit . . . may bulate sa puwet.
21. Ang maniwala sa sabi sabi, walang internet sa bahay (estudyanteng naghihintay ng suspension).
22. Aanhin pa ang kabayo . . . kung andyan naman si Vice.
23. Sa pagkahaba-haba ng prusisyon . . . trapik tuloy.
24. May pakpak ang balita . . . dahil hindi natutulog ang balita (24 oras).
25. Pagsasama ng tapat . . . ‘pag nakatalikod iba na ang kinakasama.
26. Ang lumalakad ng marahan . . . akyat-bahay gang.
27. Nawala ang ari . . . panibagong lahi (bakla).
28. Ang gawa sa pagkabata . . . teenage pregnancy yan.
29. Ubus-ubos biyaya . . . beh buti nga.
30. Pagkapawi ng ulap, lilitaw ang liwanag . . . maiinis ang mga estudyante kasi malabong mag-suspend.
31. Huli man daw at magaling . . . pasado pa rin (kwatro standing to tres).
32. Maraming salita, kulang sa gawa . . . sigurado Pinoy politician yan.
33. Madaling sabihin . . . mas mahirap i-spelling.
34. Ang lalagyang walang laman . . . ay pitaka.
35. Ang taong walang kibo . . . pa-hard to get.
36. Kwarta na . . . naging pambayad utang pa.
37. Walang naninira sa bakal . . . kundi magnanakaw kasi ipapakilo sa junk shop.
38. Mahirap gisingin . . . ang estudyanteng kakatulog pa lang (puyat dahil sa schoolwork)
39. Ang tunay na anyaya . . . mismong prof nagyaya (walkout).
40. Walang palayok . . . ang hindi pwedeng basagin tuwing piyesta.
41. Matibay ang walis . . . lalo na ‘pag pinapalo sa puwet, masakit!
42. Turan mo ang iyong kaibigan . . . sa Facebook, sige nga sabihin mo lahat ng 1000+ friends mo. Friends nga ba?
43. Ang mabigat ay gumagaan . . . kapag nag-diet.
44. Maaaring pigilin ang baha . . . ngunit hindi sa Metro Manila.
45. Ano man ang gagawin . . . gawin mo na at nang ‘di mag-cramming.
46. Ang tulog na hipon . . . hipon pa rin.
47. Habang may buhay . . . may mamamatay.
48. Magsisi ka man sa huli . . . huli ka pa rin.
49. Ang isip ay parang itak . . . kaya itaktak mo, itak-itak, itaktak mo! Takakakakakakatak! Itaktak mo!
50. Walang mataas na bakod . . . sa akyat-bahay gang.
Ang mga naitala sa taas ay bunga ng kasabawan at cramming para sa aking Pan Pil 17 na klase, ito ay ukol sa pop culture sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment